Ang buwan ng wika isang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap
tuwing buwan ng Agosto. Kadalasang
ipinagdiriwang ito sa mga paaralan. Kaugnay nito, maraming mga
kaganapan ang ginagawa upang ipagdiwang ito, gaya ng sabayang pagbigkas,
balagtasan, paggawa ng slogan, paggawa ng mga sanaysay pagbigkas ng mga tula,
pagsasayaw ng mga katutubong sayaw at pag-awit ng mga katutubong awit.
Opisyal
na ipinasya ng Komisyon sa Wikang Filipino o KWF noong Hunyo 14,2018 na ang
tema ng Buwan ng Wika nitong taong 2018 ay "Filipino:Wika ng
Saliksik". Nais
ng KWF na kilalanin ang wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at
pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagitan daw ng
temang ito, layon ng KWF na palaganapin ang wikang Filipino sa iba't-ibang
larangan ng karunungan, lalo na sa agham at matematika. Saliksik,ibig sabihin
nito ay matalik na paghahanap. Naghahanap tayo ng sagot o mga sagot sa ating mga
katanungan.
Gusto
ng KWF na gamitin natin ang wikang Filipino sa pagsaliksik natin ng kaalaman. Nais
ng KWF na habang papalago ang kaalaman sa siyensa at matematika, kinakailangan
papalago rin ang wikang sariling atin-ang wikang Filipino.
References: https://tl.wikipedia.org/wiki/Buwan_ng_Wika
https://www.affordablecebu.com/buwan-ng-wika-theme-tema
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento