Taon-taon
ay ginugunita ang Teachers' Day bilang pasasalamat sa lahat ng guro. Ngayong
taon, ang tema para sa Teachers' Day Celebration ay "Gurong
Filipino: Turo Mo, Kinabukasan Ko". Oktubre 5, 1994 noong unang
ipinagdiwang ng UNESCO ang Worlds Teachers' Day. Bakit nga ba ipinagdiriwang
ang Teachers' Day? Ano ang kahalagahan ng mga guro sa pagkamit natin ng
ating mga pangarap?
Ipinagdiriwang ang Teachers’ Day upang bigyang pugay ang mga guro dahil sa mahalagang kontribusyon ng mga ito sa pagkakaloob ng de-kalidad na edukasyon sa lahat ng antas at pagtulong sa paghubog sa pagpapabuti ng pandaigdigang lipunan. Sa araw na ito,ipinamamalas ng mga magulang, estudyante at mga kasapi ng komunidad ang kanilang pasasalamat sa mga kontribusyon ng mga guro sa kani-kanilang buhay.
Ang mga turo nila’y dadalhin natin habang buhay, ito ang isa sa mga bagay na gagabay sa atin para tayo’y magtagumpay sa buhay. Galangin at pahalagahan natin sila dahl isa sila sa mga humuhubog sa atin para maging mabuting tao na may mabuting hangarin at paninindigan sa buhay.

Reference: http://balita.net.ph/2014/10/05/world-teachers-day-pagdiriwang-sa-pinakadakilang-propesyon/
https://static.vecteezy.com/system/resources/previews/000/206/155/non_2x/vector-happy-teachers-day.jpg
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento