Ang tema para sa selebrasyon ng ESP sa taong ito ay "Mapanuring paggamit ng gadget: tungo sa mapagkalingang ugnayan sa pamilya at kapwa." Halos lahat ng tao ngayon ay may mga social media account na at mahuhumaling na sa mga games sa cellphone. Bata man o matanda ay naa-adik dito ngunit ano nga ba ang magandang maidudulot ng paggamit ng gadget.

Kapag binabanggit o naririnig ang salitang 'gadget', siguro ang naiisip ng iba ay ito ang nakakasira sa pag-aaral dahil mas tinututukan na nila ito kaysa sa mga gawain sa kanilang paaralan, pero may mabuting naidudulot din ito sa atin, isang click lang ay agad na nakakausap natin ang mga tao kahit pa sila'y malayo sa atin, nakakausap natin ang mga taong matagal na nating hindi nakita at nakakakilala rin tayo ng mga tao. Ang paglaro ng mga games ay nagbibigay aliw lalo na sa mga kabataan o ito'y 'escape from reality' kumbaga.
Hindi lang puro masama ang dulot ng paggamit ng gadget dahil para sa akin, pinapatibay nito ang ugnayang pang-komunikasyon ng mga may mahal sa buhay o kakilala na malayo sa kanila. Nakaka-kita rin ng pera sa paggamit ng social media accounts, gaya ng pag-online selling at networking. Pwede na rin na gamitin ito sa pagbalita ng mga importanteng pahayag. Lagi ring tandaan na ang sobrang pagka-adik dito ay masama. Matutong i-manage ang oras at bagay-bagay para sa mas maunlad na buhay.
References: https://filipinoblog161.files.wordpress.com/2017/06/header1.png?w=1200
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento