Upang itampok ang kahalagahan ng anak sa pamilyang Pilipino
at sa pagpapatibay ng bansa, ang National Children’s Month ay ipinagdiriwang sa
buwan ng Oktubre taun-taon. Ang tema para sa 2018 ay “Isulong: Tamang
pag-aaruga para sa lahat ng bata”. Maraming magandang dahilan ang pagkakaroon
ng anak. Mayroong mag-aalaga sa iyo kapag tumanda ka na; ipinagkakaloob nila
ang mga pagkakataon na tumawa tayo. Ngunit ang pinakamahalagang dahilan ay ang
kanilang pagiging susi sa pagkakaroon ng kahulugan at kabuluhan ang ating
buhay.
Ang pag-ibig ang pangunahing sangkap sa buhay ng isang bata,
at ang tunay na pagmamahal at pag-aaruga na inilalaan sa mga anak sa lahat ng
antas ng kanilang paglaki at higit pa. Malaki ang nagagawa ng pagpupuri sa mga
nagawa ng bata. Ngunit kailangang suportahan ang mga salitang iyon ng aksiyon.
Hindi madali para sa isang bata na ipahayag ang kanilang pangangailangan.Dapat
tumulong ang mga magulang sa pamamagitan ng pakikipag-usap. Bilang gabay,
tagapayo, modelo, at mentor, ang mga magulang din ang tagabigay sa kanilang mga
anak ng mas mainam na mga oportunidad sa buhay.
Ang mga anak ang sinasabi nga nilang “gift from god” kaya
naman nararapat lang na busugin sila sa pagmamahal, dahil iyon ang
karapat-dapat na gawin. Sila ang pag-asa ng bayan ika nga nu Dr. Jose Rizal.
Reference:
https://www.google.com.ph/amp/s/yhubbiecko12.wordpress.com/2013/10/22/national-childrens-month-ipagdiwang-natin/amp/